Double Single

Wala.naman akong issue sa pagiging single. Natutunan ko nang tanggapin na bibihira na lang talaga ang matatagpuan mo na seryoso. Madalas, ang makikita mo yung mga hunyango. Yun puro ningas kugon lang. Sa simula lang magaling at pag nakuhan na ang gusto nila, biglang magbabago hanggang mawala na. Paulit ulit na lang. Nakakasawa. Mahigit kumulang 4 na taon na kong single. Oo. 4 years. Imposible? Hinde. 4 na taon na ang nakakaraan mula ng makaramdaman ako na minahal ako talaga. Na hindi ako ginamit lang o kung ano pa man. Sa loob ng apat na taon, may mangilan ngilan din akong nilabas. Nakipagkilala. Nakipagtawanan. Ilang pelikula din ang napanuod ko. Ilang kainan din ang napagdaanan ko. Ilang lugar na napuntahan at luhang iniwanan. Dahil sa mga natutunan ko sa mga dati kong ka relasyon, naging mas maingat ako sa pagpili. Madalas bigo ako pero masasabi ko na naman na hangga't maari, ayoko na gawin yung mga dati kong pagkakamali. Kung may nakita ako na hindi maayos o hindi ko gusto, sinasabi ko na. Hindi na ko mag aaksaya ng panahon. Sayang lang. Gayundin naman kung gusto ko ang tao. Sasabihin ko ito. Madalas, basted. Pero okay lang. Mas mainam na ang mabasted kesa lokohin lang ako pagkatapos dahil hindi naman pala talaga ako mahal. Ngayon, mag isa na lang ako. so ang pakiramdam ko na single, mas lalong naging "single".

DOUBLE SINGLE.

Parang botcha lang. Double-dead na karne.

Ilang perlikula na nag nakalagpas dahil wala akong kasama manuod. Ilang kainan na ang nagbukas ang hindi ko nabisita dahil mag isa ako. Ilang out of town trip na ang di ko sinamahan dahil wala akong kapartner. Pero sa kabila ng lahat ng yan, tanggap ko na single ako. Kung may ipagkakaloob, masaya ako. Kung wala, hmm.. pagiisipan ko. Kakailanganin kong kumbinsihin pa lalo ang sarili ko na okay lang ang lahat.

Comments

Call Me Xander said…
Hindi naman masama maging single maraming bagay ang nagagawa ng single pero ika nga two is better than one.. Mas super saya pag may karamay ka sa buhay. Pero wag malungkot there is a reward ia waiting patiently... Keep praying darating din yan.
Halfbakedboy said…
salamat.. medyo pumu 4 years na e. haha! nawawalan na ng pagasa!

Popular posts from this blog

May oras ka pa ba?

Speaking the TRUTH in LOVE

First Christmas