Single ka?
Lahat tayo
nangangarap na makita ang “one true love” natin. Yung taong magpapasaya sa atin
at magpaparamdam na mahalaga tayo. Yung tipong magpapakilig at magpapangiti sa
atin kahit nakapikit na ang mata natin. Ganyan din ang nasa isip ko.. dati.
Dapat masaya tayo sa
sarili natin. Hindi naman tayo hahanap ng taong magpapasaya sa atin, ang
hahanapin natin yung taong makikisalo sa kasiyahan na nararamdaman natin.
Sharing of happiness. Ganun. Kasi pag tayo humanap ng taong magpapasaya sa
atin, paano na pag nawala sila? Hindi ka na masaya? Hindi dapat naka depende sa
tao ang kasiyahan natin. Kumbaga, bonus na lang sila. Icing sa cake.
Marshmallows sa chocolate drink. Chocolate tidbits sa ice cream.
Oo. Malungkot pa din
minsan mag isa lalo na at at ang lipunan natin ay nag didikta na dapat may
partner tayo. Pero naisip ko, wala naman masama mag hintay. Andyan ang mga
kaibigan ko na handing makipag baliwan sa akin at syempre ang pamilya ko na handing
yakapin ako anumang oras.
Ang tunay na pag
ibig, hinihintay, pinapahinog at inaalagaan. Hindi pinipilit at pinapatikim sa
lahat.
Comments