Ala-Ala


1:56am


Walang bahid ng antok. Hindi ko alam kung bakit. Ayoko sana mag isip pero unti unting bumabalik ang mga ala ala ng nakaraan. Ngayon tinatanong ko kung papaano ba talaga magmahal? Kung ano ang mali. Kung ano ang dapat. Sa dami ng taong nakasabay ko sa paglalakbay ng buhay ko, halos lahat sila kakaiba sa paghakbang ko at gayun din sila kung kaya kami ay nadadapa. Ayoko na masaktan pa pero sabi nga nila, habang nasasaktan, lalong tumatapang. Lalong tumatatag. Gaano ba ko dapat katatag para masaktan ng paulit ulit?

Comments

Popular posts from this blog

Say a little Prayer

May oras ka pa ba?

First Christmas