Wala.naman akong issue sa pagiging single. Natutunan ko nang tanggapin na bibihira na lang talaga ang matatagpuan mo na seryoso. Madalas, ang makikita mo yung mga hunyango. Yun puro ningas kugon lang. Sa simula lang magaling at pag nakuhan na ang gusto nila, biglang magbabago hanggang mawala na. Paulit ulit na lang. Nakakasawa. Mahigit kumulang 4 na taon na kong single. Oo. 4 years. Imposible? Hinde. 4 na taon na ang nakakaraan mula ng makaramdaman ako na minahal ako talaga. Na hindi ako ginamit lang o kung ano pa man. Sa loob ng apat na taon, may mangilan ngilan din akong nilabas. Nakipagkilala. Nakipagtawanan. Ilang pelikula din ang napanuod ko. Ilang kainan din ang napagdaanan ko. Ilang lugar na napuntahan at luhang iniwanan. Dahil sa mga natutunan ko sa mga dati kong ka relasyon, naging mas maingat ako sa pagpili. Madalas bigo ako pero masasabi ko na naman na hangga't maari, ayoko na gawin yung mga dati kong pagkakamali. Kung may nakita ako na hindi maayos o hindi ko gusto, si...
Comments