Top 8 Reason Why People Date
I’m currently reading “LoveStruck:
Love mo s’ya, Sure ka ba?” and I am learning a lot. The delivery and the
content are very relatable and simplified. I’d like to share one part of the
book which tackles different reasons why people go on dating. J
Top 8 Reasons Why Young People Date
1.
Peer Pressure – Mga taong
nadadala lang sa sulsol ng barkada o di kaya dahil sila na lang ang single sa
grupo. Or worse, kadalasan ginagawa na lang ito katuwaaan at pinagpupustahan na
lang ang pakikipag relasyon.
2.
Solution to previous
Break-up – Ang solusyon daw para makalimutan ang sakit ng nakaraan ay ang
magsimula ng isang bagong pag ibig. Kumbaga sa basketball, rebound na lang.
3.
Family Issues – Eto ang
mga taong kulang sa atensyon o pansin sa bahay o di kaya sa pamilya kaya
naghahanap ng kalinga at atensyon mula sa ibang tao. Mga taong naghahanap ng “shoulder
to cry on” at hindi tunay na pag ibig.
4.
Walang kamatayang
inspirasyon factor – iniisip ng iba na ang inspirasyon o motivation para maging
isang mahusay na tao ay nakukuha mula sa ibang tao pero ang katotohanan dyan,
kadalasan mas nagiging sagabal ito sa pagdedevelop ng sarili natin.
5.
Sexual urge – talamak ito
lalo na sa mga lalaki. Mga taong gusto lang ng outlet sa nararamdaman nilang
init ng katawan.
6.
Power tripping – may mga
taong nakikipag relasyon o nakikipag date para mapatunayan sa ibang tao kung
gano lang sila kagaling o di kaya ay para sumikat at maging popular.
7.
Nababagot sa buhay – ito
yung mga tao na pumapasok sa relasyon for the sake na maranasan lang nila ang
magka Bf or GF.
8.
Media Interest –
Malaking factor ang mga napapanuod at nakikita natin sa paligid. May ilang tao
na nakikipag date dahil sa impluwensya ng mga ito. Maaring kamuka lang ng crush
mong artista o dahil sisa itong sikat na personalidad
Lagi nating tandaan na ang “love” ay
hindi basta basta nararamdaman. Isa itong matinding emosyon na nahihinang sa
panahon at pagsasamahan at sinusuportahan ng pagtitiwala at katapatan sa isa’t
isa. Hindi natin mararamdaman ang tunay na pagmamahal kung sa sarili natin
hindi natin alam ang kahulugan nito. Love God first and you will experience the
true meaning of “love” and by this, S’ya mismo ang magdadala sayo sa “true love’
mo. J
Ikaw? Isa ka ba sa kanila? J
Comments