Niligaw na Puso



Pinangiti mo ko sa gitna ng aking pag iisa.
Binigyan mo ng kulay ang bawat araw ng buhay ko.
Sa maigsing panahon ng ating pagsasama
Iyong naipadama ang tunay na ligaya
Na matagal ng hindi nakikita
Ngunit kung anong saya ang ibinigay
Ay s'ya din lumbay na biglang bumuhos sa aking buhay
Dahil sa iyong biglaang paglisan
Sa hindi mawaring kadahilanan.
Aking puso'y muling nadurog
At nabalot ng lungkot.
Sa aking pag iisa sa tuwina
Ikaw pa rin ang laman ng alaala..


xxx



Sa paglipas ng panahon 
ginawa ang makakaya ko
Unti-unting gumaan ang buhay 
ngunit sa isang saglit ay naglaho

Chorus:
Bigla na lang nawawala
hindi ko na maunawaan pa
nilalayo ako sa'king isip
Pikit-matang nangangapa
hanggang ngayo'y wala pa ring magawa
nilalaro ang aking isip

Nang dumating ka sa buhay ko
nagbitaw ka ng mga pangako
Hindi naman sinisisi ngunit
wala naman nagkatotoo

Chorus:
Bigla na lang nawawala
hindi ko na maunawaan pa
nilalayo ako sa'king isip
Pikit-matang nangangapa
hanggang ngayo'y wala pa ring magawa
nilalaro ang aking isip

[Instrumental]

Naghahanap ka ng daan 
ngunit walang mapatunguhan
Nag-iisip, pinipilit, gumagawa ng paraan
Unti-unting nagagalit, 
hanggang ngayo'y nagigipit
Hanggang saan, hanggang kailan 
ko makakaya ang ganyan?


Comments

Popular posts from this blog

Say a little Prayer

May oras ka pa ba?

Twitter Holiday!