Sino Ka?


Opo. Biktima ako ng pagmamaltrato. Hindi ako pinapakain ng mga panahon na ito.
Isa akong cowboy. Hindi ako yung tipikal na pa susyal ng lipunan. Pwede kong gawin kahit ano. Kahit saan mo ko ilagay kaya kong mabuhay. Siguro dala na din ito ng community immersion ko nung nag aaral pa ko. Nasubukan kong tumira sa isang barangay na walang tubig at kuryente. Nasubukan ko na matulog sa isang sofa – na walang kutson. Maligo sa ilog at mamundok. Lahat yan napagdaanan ko nung nag aaral pa ko. Kaya malamang nawala yung kakatiting na arte ko sa katawan. Mahirap umarte sa mga ganun sitwasyon bukod pa sa pinagbabawalan talaga kami ng CI namin. Baka daw kase mailang yung mga tao sa amin. Mula nuon, nagging game na ko sa lahat. Kahit ano at kahit saan pwede ako. Pero hindi ko pa din naman inaalis ang breeding ko. Mahirap na. Baka maging Marian Rivera ver2.0 ako. Basta ang alam ko, walang masama kung ganito ako o kung may mga ganitong uri ng tao dahil alam ko na kami yung tatagal ng buhay ditto sa mundo. J

Comments

Popular posts from this blog

Say a little Prayer

May oras ka pa ba?

First Christmas