And I Quit.. Almost.


My source of energy lately. All my gorgeous friends @ work

My ladies. Thoughts of leaving them always bring tears into my eyes. btw, less than half pa lang yan. :)
Sa ilang taon ng pagtatrabaho ko, madami akong natutunan, madami akong nakilala. Hindi na rin mabilang ang pawis at luha na lumabas sa akin sa ngalan ng tapat na pagttrabaho. Kaiba sa lahat, hindi ako sanay makipag trabaho sa iba pang Area Coordinator marahil dahil na rin sa pamamaraan ng pagtuturo sa akin ng dati kong boss. Sanay lang ako na umiikot ang mundo ko sa ka partner ko at sa boss ko. Sa aming tatlo lang. At daig pa naming ang may super power na kaya naming pagalawin ang buong Pilipinas. Ganyan kami kagaling. Hindi pa lumalabas ang karakter ni Anna Manalastas, nauna na kami sa kanya. Ganyan and team up naming dati. Fierce and powerful. Pero hindi naman lahat pang habambuhay. Nagsimula na silang tumahak ng ibang landas. At ako? Naiwan ako dito. Ilang beses ko na din binalak na umalis. Nakakapagod na din kase ang ginagawa ko pero sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti ng mga tao ko, nagbabago ang isip ko at nagtitiis pa ng kaunti. At nang dahil sa pagtitiis, lumipas pa ang ilang lingo at buwan, nagpatuloy ang buhay ko sa trabaho. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na naman akong nakaramdam ng pagka lungkot. Nawalang ako ng gana magtrabaho. Pero iba ito. Ngayon parang hindi ko naiisip kung malulungkot ang mga tao sa paligid ko. Gusto ko naman bigyan ng panahon at pagkakataon ang sarili ko. Pinipilit kong isipin na dapat kong tapusin ang lahat ng sinimulan ko. Na dapat kong iwanan ng maayos ang lahat. Sa pagkakataon na to, ang nagpapa gana na lang sa akin magtrabaho ay ang mga kasamahan ko. Kahit na sa simula, naninibago ako dati na sumama sa kanila dahil hindi ko talagan nakagawian na magtrabaho kasama ang ibang tao, nakita ko kung gano kasaya sila kasama. Sila na lang ang nagpapa ngiti sa akin ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kalian, pero sana sapat na ito para matapos ko ang taon. Ayoko din maiwanan ang mga tao ko dahil alam ko na malulungkot sila. Hindi sa pagmamayabang pero bibihira ang mga tao na nagtatagal sa posisyon naming lalo na sa akin kaya siguro ganun na lang nila ako minahal. Dahil alam nila na nagtiis din ako para magtagal. Kung ano man ang mangyayari sa akin, hindi ko alam. Ipinapa sa Diyos ko na lang ang lahat, kung ano man ang plano Nya para sa akin.

Comments

Popular posts from this blog

May oras ka pa ba?

Speaking the TRUTH in LOVE

First Christmas