May oras ka pa ba?

“Anong pinaka sweet na bagay na ginawa ng partner mo sayo?” tanong nya.
“Ang hirap isipin. Pero siguro during the time that I was assign sa Cagayan De Oro for a month and sinundan nya ko para samahan for one month.” Ang sagot ko.

Bigla akong napaisip. Ano nga ba makakapag pasaya sa isang tao? Paano mo mararamdaman na mahalaga ka? Time. Mahirap ibigay ang oras. Mahirap maglaan ng oras. Bago mo pa maramdaman ang sweetness, ang thoughtfulness at lahat pa ng “ness” you need to spare some time. Mahirap naman magpaka sweet kung wala kang time, diba? Kahit sa phone, in person o sa chat pa yan – it all requires time. Ang pagbibigay mo ng oras sa mga taong mahahalaga sayo only shows kung gano sila kahalaga. Yung mga oras na ginugugol mo sa kanila, pwedeng pwede mo gamitin sa ibang bagay, sa ibang tao, pero mas pinili mo sya. Madalas, sa mga tao ngayon, hindi na napapansin ito. Akala maliit na bagay lang, na simple lang ang oras. Pero kugn tutuusin, halos lahat di pagkaakunawaan pwedeng mag ugat sa kakulangan ng oras. Isipin nyo. Kaya dapat natin matutunan na pahalagahan ang oras na binibigay natin sa ibang tao at ang oras na ibinibigay ng ibang tao sa atin dahil isa yan sa mga bagay na hinding hindi mo kayang palitan, tumbasan at ibalik pa.

Comments

Call Me Xander said…
I agree sa post na to.. we should give time to our loved ones while we still have TIME. Baka kasi darating ang araw na wala na tayong TIME or maybe chance to say that we love them at maiparamdam sa kanila na mahalaga at mahal natin sila.. Hindi lang ito para sa partner o syota kahit sa pamilya, kaibigan at iba pang taong mahalaga sa buhay natin..

Thanks for reminding me with this post..
Halfbakedboy said…
sure. sabi nga Love is a constant decision we all have to make. tayo makaka gawa ng paraan. tayo makaka sagot. ;)

Popular posts from this blog

Speaking the TRUTH in LOVE

First Christmas